Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian o gender equality ay isang napakakomplikadong isyu na binigyan ng iba't ibang punto ng mga kababaihan at kalalakihan. Sa ngayon nasama na rin ang mga 'third sex' o ang mga bakla o tomboy. Sa pagkakaalam natin lumikha ang Diyos ng dalawang kasarian ang babae at lalaki lamang. Ayon sa blog na 'The Philippine Chronicles', na lumikha ang Diyos ng tao na dalawa lamang ang kasarian na kanyang nilikha. Ang lalaki at babae ngunit umusbong ang tila bagong kasarian o mga LGBT. (Lesbian,Gay,Bisexual at Transgender). Sa katanuyan ang mga taong ito ay mayroong nang party-list para sa mga LGBT.
Napakakomplikado ng gender equality , kung iisipin may advantage at disadvantage ang pagiging lalaki at ganun naman ang pagiging babae. Katulad na lang na pwedeng balewalain ang konsepto na 'ladies first' at ang pagiging gentlemen ng mga lalaki. Ngunit sa ating mga Pilipino kultura na natin ang mga patakarang ito at talagang nakasanayan na. Ipinalabas rin sa isang tabloid na Balita (2014) na ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa Gender Equality. Ipinakita sa report na ito ang karamihan sa mga improvement ay nasa partipasyon ng kababaihan sa pulitika. Katulad na lang sa ibang mga bansa may mga lugar na ang babae ay hindi puwedeng makaboto at talagang dapat nasa tahanan lamang.
Sa panahon natin ngayon ginagawa na ng mga babae ang trabahong pang lalaki katulad ng pagiging sundalo o pulis at ang mga lalaki na rin ay ginagawa na ang mga trabahong pambabae tulad ng parlor at ang pagiging nanay ng isang tatay sa kanyang mga anak. Kung pagkakapantay ang pag uusapan sila ay mga taong nilikha ng Diyos at dapat rin bigyan ng respeto mapa-babae,lalaki,tomboy o bakla man ito. Tayo ay may karapatang pumili ng daaang ating tatahakin patungo sa tagumpay. Ang mahalaga ay may respeto tayo sa isa't isa.
Filipino 3: Sa Piling Larangan (Akademik)
Biyernes, Marso 3, 2017
Martes, Pebrero 14, 2017
Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran
Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing prinsipal at administrador. Purihin ang Panginoong Hesus sa isang napakagandang umaga!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala.
Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat! Nawa'y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)